Nagsusulat ako..
hindi para kumita. Hindi para sumikat. Hindi para magpapansin. Madalas outlet ko to pag nababadtrip ako eh. Like ngayon!!!!
Tumawag sya kanina pero sobrang sandali lang kasi may gagawin lang daw sya. Oh anong oras na? Kaloka!!
Napaparanoid na naman ako pano ba naman nagkwento sya kanina. Na lumabas daw sya nung isang araw without me knowing. I know naman na di ko dapat malaman lahat ng ginagawa nya sobrang luwag ko nga sa kanya. Kaso naiisip ko rin baka naman umabuso na. Kwento nya kanina may nanghihingi daw ng # nya. BABAE PAAAAA! :( .
Di daw nya binigay. Hindi ko alam kung maniniwala ako nakakainis😞. Sabi nya daw sa babae "di kita type" hmmm. Babae pa rin yun. Naiisip ko lang yung mga kwento nya dati sa mga encounters nya sa ganyan. Baka gawin nya saken eh. Natatakot ako😭 nagsisimula na kasi syang lumabas ng hindi ko alam. Di pa ko dapat magalit. Kasi pag nagalit ako. Pak! Ganern. Titiisin ako nun. Kering keri pa naman nya kong tiisin. Di na sya sweet. Di na sya katulad ng dati. Pag sweet ako sa kanya parang ayaw nya. Ang corny ko daw. Baduy. Ganern! Sabi nya i should do my own thing. Gawin ko lang daw yung dapat kong gawin. Act normal daw. And gagawin naman nya yung normal na sya. Parang ano bang ibig sabihin nun? Kami pero walang pakialamanan? Baket??
Kami nga eh😭 nakakainis.
No comments:
Post a Comment