Wednesday, September 28, 2016

Hmmmm -_-

Nagsusulat ako..
hindi para kumita. Hindi para sumikat. Hindi para magpapansin. Madalas outlet ko to pag nababadtrip ako eh. Like ngayon!!!!


Tumawag sya kanina pero sobrang sandali lang kasi may gagawin lang daw sya. Oh anong oras na? Kaloka!!
Napaparanoid na naman ako pano ba naman nagkwento sya kanina. Na lumabas daw sya nung isang araw without me knowing. I know naman na di ko dapat malaman lahat ng ginagawa nya sobrang luwag ko nga sa kanya. Kaso naiisip ko rin baka naman umabuso na. Kwento nya kanina may nanghihingi daw ng # nya. BABAE PAAAAA! :( .
Di daw nya binigay. Hindi ko alam kung maniniwala ako nakakainis😞. Sabi nya daw sa babae "di kita type" hmmm. Babae pa rin yun. Naiisip ko lang yung mga kwento nya dati sa mga encounters nya sa ganyan. Baka gawin nya saken eh. Natatakot ako😭 nagsisimula na kasi syang lumabas ng hindi ko alam. Di pa ko dapat magalit. Kasi pag nagalit ako. Pak! Ganern. Titiisin ako nun. Kering keri pa naman nya kong tiisin. Di na sya sweet. Di na sya katulad ng dati. Pag sweet ako sa kanya parang ayaw nya. Ang corny ko daw. Baduy. Ganern! Sabi nya i should do my own thing. Gawin ko lang daw yung dapat kong gawin. Act normal daw. And gagawin naman nya yung normal na sya. Parang ano bang ibig sabihin nun? Kami pero walang pakialamanan? Baket??
Kami nga eh😭 nakakainis.





Warning: NONSENSE!!!

So ayern..
nagdakdak si mader.
Ano nga bang ikukwento ko senyo?
LOVE LIFE?
CAREER?
CURRENT STATUS? Uhmmm...


Love life muna mga te tutal yern naman ang una eh. Oo na malandi na sa malandi. Eh san ba ko magsisimula? Sa 1st BF? Or sa BF ko ngayon? Oh! Makareact naman. Nakatatlong bf lang ako. Hahahaha oo LANG talaga..




Una akong nagka BF di ko lam kung lantaon ako nun. Basta 2013 yun. Di naman strange yung feeling. Sa una talaga nakakakilig eh. After a month of bein together ayern naaa! Yung mga attitude naglalabasan eh. Yung mga di kaaya aya. Di ko na ipapaliwanag yung detalye pero di talaga maganda. Nakakapunyeta kaya. Nakipag break ako sa kanya 2015 ov May. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Az in. Party! Party! Whoooooh! Yessss! I Made iT!✊




2nd BF ko naman isang buwan lang kami hahahaha isang nakakasuffocate na relasyon hahaha di nga dapat matawag na relasyon un. Naging kami dec.2015 tas nakipag hiwalay ako sa kanya ng january2016 hahaha. Napaka Epal lang.






Yung current BF ko naman 3 months palang kami last September.23 sana sya na yung last ko nakakapagod din kaya yung laging pakikisama. Di ko lang alam if seryoso sya. Kasi feeling ko nagsasawa na saken or baka isip ko lang yun paranoid lang siguro ako. Ganun ba talaga yun? Sa una lang sweet? Sa una lang may ganang kausapin ka. Sa una lang gusto kang laging nakikita? Sa una lang ba lagi lahat? Nakakaloka naman yung mga ganun. Nagstart syang mag ganyan this 1st week ng september. Ewan ko dito. Nakakainis.

Staring blankly into ceiling💎

Hello...
First time kong magsulat dito. Nakagawian ko na to dati pa. Pero ewan ko tumigil ako ng pansamantagal. Actually di ko alam magiging laman netong blog KUNO! Nato kaya nga NONSENSE MIND nilagay ko. Kasi ang nonsense ko nga kasi. Dati di ako naniniwala na nonsense ako until mapansin kong ang dami ng nagsasabi saken na walang kwenta tong pinagsusulat ko or pinagsasabe ko. Wala naman akong pinaglalaban. Siguro aaraw arawin ko na naman pagsusulat. Nagstart ako sa NOTES ko sa facebook diba meron nun dun pero inu only me ko lang kasi maraming mauumay sa mga kwento ko sa araw araw kasi di ko alam ah. Pero napaka blunt and simple lang ng buhay meron ako. Hindi interesting. Walang mga ganap na pang MMK. Kaya dati pag may Sulating Pangwakas or sa English pa Formal Theme eh wala akong halos masulat kasi nga walang mga ganap ang buhay ko. Tahimik akong tao. Introvert yata din ako. Ewan ko or baka Ambivert ako. Ewan ko saken. Wait lang ah nagrarant na naman si maderLoo😒